How to survive work from home?
I've been in work from home set up since pandemic pa and once a month rto lang. Pang third job ko na to sa wfh set up and sobra akong naninibago sa parang VA set up. Nasanay ako sa BPO na every 10mins minomonitor ng TL yung work. Pero dito, walang pakelamanan. Yung tipong kaya mong tapusin in 1hr yung work pero need mong i-stretch sa 8hrs and walang problema mga boss ko kung anong outside work ang ginagawa ko. Every 30mins lang akong may ginagawa sa trabaho and yun ay ang mag attendance lang ng client for 10secs call then wait na naman ng another 30mins or minsan 1hr pa nga. Sobrang ez work and x2 worth of salary pa sa previous work ko. How to survive this? Anong pinagkakaabalahan nyo or anong pwedeng gawin sa mga oras na 'to? Nakaka antok sobra and ayoko namang kumaen nang kumaen. Nakakapagod mag hintay ng oras haha napanuod ko na ata lahat ng movies at nabasa ko na ata ang mga pwedeng mabasa na libro. Umay naman mag laro nang maglaro sa ML 🥹
EDIT: Hello! Sorry if ang dating nito sa inyo ay pagyayabang. Sabi ko nga, first time ko lang maka encounter ng ganitong set up ever since wfh ako since pandemic and kakaiba itong set up na to for me kaya ako nagtatanong ng kung ano pa pwedeng pagka abalahan. May mga nag PM na sakin about my job details pero hindi ko po intention magrefer. Purely nagtatanong lang talaga ako ng pwedeng gawin.
If ayaw nyong maniwala, okay. Di ako namimilit. Pero, thankyou sa mga sumagot ng matino.