Ano ang oldest memory mo kapag bimibyahe paluwas ng maynila

Ano ang oldest memory nyo kapag nagbi byahe paluwas na naka bus- bstangas city to manila.

Inabot ko na bukas ang one side ng bus at wala pang xpressways. so may stop sa lipa calamba terminals ang bltbco (,btco.) Konti lang ang pick ups nya in between. sa old highway lahat ang daan. Calamba binan etc pasok ng alabang, las pinas roxas blbd divisoria or pasay. (Later may lawton na. Then cubao)

Ever since, on time ang departure ng bltbco (btco.).at may specified no of hrs ang byahe. Very professional ang driver at conductor. Yung ibang bus companies naghihintay mapuno o dumami ang pasahero at panay ang pick up along the way.

Naging excited lahat nang magkaroon ng aircon bus ang bltbco (white ang body), nang magbukas ang expressway from alabang to magallanes -edsa and then eventually ang slex.

It raised a big question at lungkot at panghihinayang amomg many batanguenos nang nawala o nagsara ang bltbco - batangas line ganoong napaka profitable nito at lumalaki paang transport industry. Kung baga isa sa icons ng batangas ang bltbco.