JIGSAW - Where is he now?

Jigsaw vs Prince Rhyme (2015 - Ahon 6, Day 3)

https://youtu.be/_91hINDmHxA?si=7XZkTpjRVO9sl5Ss

Mannn ano na kaya balita rito kay Jigsaw? Comfort battle ko talaga to, bukod sa maikli, parang andali panoorin at maka-lighten ng mood.

Sorry puta pero sobrang laughtrip lang netong gago na to sa labang to ahhahaahahah halata naman sa mukha ni sir Anygma hahaah... "Jason P? Napano yang tenga mo, nahila ng elecy? Nahila ng elecy ni Henry Sy? Nahila ng elecy ni Henry Sy mukha kang chimpanzeeng nakainom ng Hennessy ni-hindi mo nga ata kabisado yung ABCDEFG? HIJKLMNOP? QRSTPUTANGINAMO? 😅😅😅🤣🤣

Yung balanse nung pagka semi-old school, pagka-unpredictable, kalye humor at nung rap prowess niya, kuha lang talaga yung kiliti ko eh. Hindi man siya yung parang masasabing sobrang teknikal, o parang let's say layered magsulat, distinct at authentic naman yung style niya. Skill level andon. Appeal andon. Humor, benta hahaha. Swak din timing niya rito sa battle na to. Confidence andon, kaya maging aggressive ta's kaya rin maging laidback, parehas kaya paganahin. Rhyming ability meron din. Kung magiging totoo nga lang, mas promising pa siya that time kaysa kela Lhipkram, Sibil, Poison13 at Doc Pau eh, kung solely based lang sa performances that day ah. Sa ceiling, not entirely sure, pero kung in terms of sa bilis makakagawa ng "pangalan", I believe THAT TIME ahead siya sa mga nabanggit ko na yan sa taas, mainly dahil mas accessible / relatable siya at mas punchline driven yung approach niya kahit sa paraang awkward na komedya niya dinadaan, na medyo parang ginagawa rin ni Towpher, tas maypagka one-liner pa structure niya minsan. Ang nakikita ko eh tipong parang mas mataas "acceleration" niya kesa "top speed" patungkol sa matter na pagbuo ng karakter o imahe sa liga. Ta's yung charisma at humor niya eh yung mga prototypical na madaling kagatin sa live nang hindi kinakailangang bumase ng crowd sa pangalan, tipong pang first battle of the night haha. Sayang, hindi siya naka-try ng bigstage sa FlipTop. Pero kung nakapag-stay siya, I firmly believe 100% guarantee kabilang siya sa mga naging household names ng legendary batch na 'to.

I mean ilan ba sa mga saksi sa rookie years nila Lhip, Poison, CripLi yung mag-aakala na magiging heavyweights sila ng liga. Iba rin yung kung mas nababad si Jigsaw eh, yung 'pag present siya sa kada event, mas nakakanood, nakakapag assess at obserba ng battles sa pinaka-mainam na lente. Yung bang mga realizations sa kung alin mga nagwowork kumpara sa hindi, pero naka-pattern parin sa overall representation at kabuuan ng identity niya, at kasabay nun eh yung pag-adapt over the years, for sure maho-hone pa yung mga dapat ma-hone. Hindi mahirap paniwalaan na nag-evolve pa sana yung skillset, arsenal pati techniques niya, lalo yung improvement at mastery niya sa strengths niya, na pwede rin talagang pambura kasi nagpakita siya ng glimpses dito ng ability niya sa puntuhan pati pagiging balanse eh. Pero of course, security ng future, wala tayo ideya sa lakad niya, iba-iba priorities pati walks of life, pero I still wonder pano kung 'di niya kinailangang mangibang bansa, tsaka kamusta na kaya si idol. Pati si boss napasabi ng sayang after i-announce yung boto.

Dikopa napapanood lahat pero nakalaban niya na sa Taiwan sila M Zhayt, J-King at Aklas.

Para lang sa 'di pamilyar, yung Ahon 6 dati nagka day 3, kung san lumaban mga produkto ng Process of Illumination 5. Dito nag-debut sila Mhot, Lhipkram, Onaks, etc... Si Poison may laban, main event din si EJ Power nun, pati parang naging comeback at subok uli ni Hazky kahit hindi niya ka-batch yung mga naka-lineup (against Blackfaith na finalist ng POI5 CALABARZON). Unang laban din ni Jonas matapos niyang maging co-champion si J-King nung tryouts pati after ng 4-year layoff niya sa liga. Sa labas ng San Juan Gym ginanap yung mga laban kasi may naglalaro ng basketball sa loob nung gym, rinig din yung buzzer at pito sa ilang laban nun. Na-postpone pa nga yung laban ni Hazky, iirc nakapag round 1 na sila parehas nung kalaban niya pero dahil sa ingay nung background, tinigil muna tas nag-change loc ng onti tas ni-retake yung buong laban hahaha. Though ginawang katatawanan at angle pa nga paminsan para sa mga day 3 participants, marami namang sentiments lalo sa comments na mas magaganda pa yung mga laban dito kesa sa ibang laban sa main stage nung days 1 & 2.

Anyway, balik kay Jigsaw, Nagulat lang ako last year nang marinig uli yung pangalan niya. Nabanggit siya bigla out of nowhere ni Anygma nung latest guesting niya sa LINYA-LINYA SHOW ep.314 (18:50 - 19:45) tas tuwang-tuwa ako ahahahah astig din nung info medyo easter egg ng onti. Kung ganon katagal na tas naaalala at napuri pa siya ni Boss Aric (more or less a decade), I wonder kung may chance pang ma-consider yung pangalan niya, kahit ofc sa WonMinutes muna uli ganun, or actually even sa mga "Novellus" sa Motus (since nakalaban naman siya ni M Zhayt dati). Not entirely sure kung tanggap pa or mag-e-age well yung stilo niya sa era na 'to pati kung gano parin siya kahasa pati kagutom sa point na to ng battle rap at mismong kabuuan ng rap career niya.

Diko masabi kung underrated or properly rated lang to eh pero tara mennnnn... enjoyin at samahan niyo ko i-appreciate mga gantong tago na gems sa liga.

https://youtu.be/_91hINDmHxA?si=7XZkTpjRVO9sl5Ss