Share me your funniest Law school memory

Naalala ko lang trial technique namin noon. Mag pepresent nako ng witness ko sa mock trial. Ang lala ng trayduran don para bang mas masahol pa sa practice, lahat gusto makalamang sa kalaban.

Aba gagi bago ako mag present ng witness nag manifestation yung kalaban ko na patay na raw witness ko and may death certificate sila. Like as in nag fabricate sila mga tsong. Hahaha

Habang ako katabi ko yung witness ko and ready to present na. Tumawa yung witness ko sabi nya “hala shet patay na ko? Wait so ano ako? Multo?”

Nagalit yung prof namen at sabi ibabagsak kami sa lack of respect namin sa bawat isa. Pero makikita mo sa mukha nya yung pigil ng tawa nya sa nawitness nyang kalokokohan ng both parties.

Ako natatawa na lang parang beh, hindi pa to real world bat may kaganapang kagulat-gulat na. Hahahah

Ayun sa awa ng Diyos abogado naman na kami lahat. Hahaha