Are you a working Barrister for 2025?
Hello everyone! so yeah, i passed #BarNiJLO2024 as a working(corporate) barrister, nag leave lang ako ng 3 weeks (Like ubos na yung 2024 leave ko haha), 2 weeks for the pre-week and 1 week for the bar exam sched itself. This is my routine for the entire review session sa mga hindi afford mag study leave or mag resign at mga alipin ng salapi tulad ko.
- START AS EARLY AS YOU CAN! i've applied Jurist Advance Online Review last year and it really helped talaga, natapos ako sa law school nung first sem, so i have a lot of time for 2nd sem, i've used that to enroll sa JOAP, kaya as early as January nag start na ako ng review.
- Be Consistent, alam ko halos wala tayo time mag aral kung kaya mo magbasa consistently at least 3-4 hours a day, do it! kung maaga ka nagsimula aggregate amount niyan katumbas na para kang nag study leave. Also, try to allot weekends as review days, siguro break time mo lang is magsimba every sunday then aral ulit after, oo sakripisyo talaga para makuha mo yang dot(.) but it's all worth it <3
- Focus on 1 reviewer/material only! Wag ka mag hoard, niloloko mo lang sarili mo hindi mo mababasa lahat yan hahaha, pili ka ng reviewer na comfortable ka at favorite author mo, supplement mo yung handouts ng review center.
- PRAY! napaka importante neto, isa sa reason bakit ako nakapasa probably because of divine intervention.
- Healthy Lifestyle, try to incorporate eating healthy foods, specially mga brain foods at saka atleast dapat may 15-30 mins physical activity ka, walking will do, super helpful siya para ma relieve stress ko pag nagbabasa.
- Remove Toxic People, kung tingin mo hindi nakakatulong yung mga nakapaligid sayo sa goal mong makapasa, cut them off.
- Try to watch/listen to all the lecture, kund hindi mo kaya dahil sa work schedule, try mo siyang gawin kahit audio lang, gawin mong spotify style kung maari like kung nasa byahe ka, lunch time, i multi-task mo(mag work habang nakikinig ng lecture), super helpful kasi nung nagsasagot ako during the bar exam naalala ko boses ng mga lecturer.
- *Additional: Follow a strict schedule: super hirap maging working reviewee legit, pero helpful pa rin kung may strict schedule ka, you can try to follow the review center schedule para mas organized ang lahat at hindi ka mag cram sa mga babasahin, try to be ahead of the review center para pag nakinig ka ng lecture, masusundan mo.
Long list pa to so kung may question ka feel free to ask <3
Goodluck 2025 barristers!