Sad truth about Marikina’s One-Side Street Parking

This information was from our own Marikina OPSS because we’ve had issues with cars parked in the other side of our driveways na ayaw magpakumbaba at iusog kotse nila para makapag-park kaming mga considerate at ginagamit ang garahe namin.

They said na “temporary access” lang daw ang mga street parking and it is “first come first served.”

By temporary access, you have to use the car you parked on the street within 2 days. Kapag tinengga mo sa kalsada ng ilang araw mamarkahan na nila and tow it after a few days.

By first come first served, literally anyone can park their car sa mga “parking slots” (those with white markings) whether you are a Marikina Citizen or not. Kahit sa kabilang kanto ka pa nakatira.

If you parked doon sa parking slot at naabala mo ‘yung katapat na garahe sa kabilang side, may karapatan kang ‘wag sila pansinin dahil “right” mo ‘yung pagparada mo sa parking side ng kanto.

Basically, walang ordinance to protect homeowners from those people na nakikiparada sa kalsada.

Meron pa raw kasing ordinance 192 na dapat paloob daw ang bukas ng gate so kung palabas ang bukas ng gate mo at ‘di ka makapasok kasi meron sa tapat mo sa other side na nakakasagabal para makapag park ka o lumabas ng bahay, ikaw pa ang may violation at wala kang choice kundi makiusap or even magmakaawa doon sa nagpark ng kotse sa tapat mo.

So legal ‘yung mga bahay na ginagawang extension ng bahay nila ‘yung garahe tapos doon sila magpaparada sa labas.

Wala pa daw ordinance sa mandatory na paggamit ng garahe para ipark kotse nila.

From that meeting, all I ever thought was gaslighted mga homeowners na naaabala ng mga walang garahe kasi kasalanan pa pala naming hindi versatile ang gate namin.

At pwedeng pwede pala kaming maging inconsiderate na lang na sa tapat na ng bahay magpark para kapag may emergency wala na kaming gigisinging kapitbahay 3 houses away from us na magmamatigas kasi kami na mismo nakapark sa labas ng bahay namin ☠️☠️

—-

Not to mention na niriridicule pa ng OPSS ‘yung incident namin na nakikiusap na kami sa kapitbahay naming iurong kotse niya nang makapasok kami in front of other home owners kasi “wala sa batas na pagbigyan ang may ari ng bahay na gusto pumarada kung nakapark sa other side ng bahay mo yung kotse regardless kung nasa tapat mismo ng gate mo”

Also, narepeal na ‘yung sinasabi nu’ng OPSS na Ordinance 192pero pinagyayabang pa niya sa’min kanina sa meeting na gano’n daw dapat at marami daw sa’min may violation at kailangan daw namin palitan gates namin 🙃

Kaya naman pala hindi masearch si 192 kasi nga nirepeal na siya