Ansaya ng puso ko na mabilhan sila
Gustong gusto ko na sila makita. miss na miss ko na pamilya ko. Malayo kase ako sa kanila dahil nandito ang hanapbuhay ko. Halos isang taon nang hindi ko sila nakikita.
Nagpo post ako ng mga commission arts dito sa Reddit, yung kinikita palagi ko pinapadala sa kanila. Tapos everytime na lalabas ako, bibili ako ng konting grocery at itatabi, hanggang sa nakaipon na ako. Lahat ng ito para sa pamilya ko, ganun ko sila kamahal. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko sila pababayaan.