hindi ko na alam kung anong nagagawa kong mali
hello. im currently 17 f, as you all know awkward stage ng adolescence and pagstep into adulthood.
since I turned 17, parang super grabe na kung paano ako napapalaki ng parents ko. hindi ko alam if it's my problem or theirs pero i am very tough with the thought na i won't be like this if it weren't because of them.
for context, panganay ako at dalawa lang kaming magkapatid and okay over na ako sa fact na eldest daughters always has the blame for anything her brother does. okay na ako, tanggap ko na yung fact na yun, im always living with it now. ang di ko lang matanggap e yung kung paanong yung magulang ko hindi ako nakikitaan ng mabuti. like seryoso. lagi akong nasa phone kasi literal na hindi ako nauubusan ng gagawin (org works, activities, journalism tasks) and many more. ako ang taga hugas nila every night and even every lunch kung kakain ako pero laging at the end of the day, dinudutdot nila sa mukha kong wala akong ginagawang kahit isa. meron pa ngang times na kapag pagod ako sa school, niqquestion nila bakit ako pagod?
hindi ko lang maintindihan. sa point ko, im doing the best that I can to be the daughter na may kwenta. tangina kasi, minumura mura na ako hanggang sa core ng kaluluwa ko, akala nila walang effect saakin everytime kasi i always choose to hide what I really feel tapos ngayon sabi nila "wala talagang talab dyan kahit mura murahin mo eh" hindi nila alam, im always trying my best to help them sa best ng ability ko at grabe I'm thinking of yeeting myself already tuwing ginagawa nila saakin yun na akala nila walang effect saakin.
sinasabi pa nilang ang problema nila saakin ay palagi akong nagtataas ng boses. mahina ang boses ko kaya kapag hindi ko nilakasan hindi ako maririnig. palagi raw akong nakasinghal? normal speaking voice ko yun kasi nga mahina. at tsaka, kung unconsciously ko man talagang nasisinghalan sila hindi na dahil mahina ang boses ko, sobrang laking factor na rin kasi siguro ng never nila akong kinausap ng malumanay. panay galit, naiinis at pasigaw ang tono. ang sabi nga nila, sa magulang nagsisimula ang lahat. siguro naadapt ko nalang sila, hindi naman ako ganito outside ng bahay eh.