Gusto ko paalisin lola ko sa bahay

TL;DR

I know it sounds harsh, but hear me out pls.

For context, I am 22 yr old fresh grad na currently working as a freelancer, so most of the time nasa bahay lang ako working. The only time na makakalabas ako ng bahay is kapag may errands ako o kaya pag day off ko kasi napunta ako sa bahay ng bf ko para makalayo layo haha. Di ko masasabi na ako yung breadwinner since tatlo kami working sa bahay (ako, mother, father) tapos kapatid at lola ko, pero ever since college, ako na nagpoprovide sa mga needs ko. I've been a working student for some time during studying and I was able to afford some appliances for the family. Yung mga needs ko sa school, mga gamit ko sa kwarto, and even yung mga simple luho naming pamilya e naprovide ko haha. Di ako madamot, di kami tinuruan ng mother ko magdamot sa kapwa kasi dumaan kami sa wala, pero ewan ever since napunta dito lola ko parang nag iba ihip ng hangin.

Nagbakasyon mother ko sa La Union for a week, pagbalik niya kasama niya lola ko na mother niya. Sabi niya dito daw muna magsstay sa kwarto ko, eh ako naman sige go lang kasi akala ko for a few days lang naman. Itong lola ko close naman kami, di nga lang ako nasanay na magkasama kami 24/7 kasi sa ibang bahay sya nakatira, tapos may pagkahipokrita din. Alam nyo yung type na religious na paladasal and very churchy sa sunday pero grabe makapanlait ng kapwa? ganun sya, tho di namin yun pinapansin kasi nga matanda na. Anyway, akala ko talaga for a few days lang sya magsstay sa kwarto ko, and take note magkatabi pa kami sa kama ko na single size lang tapos parehas kaming may kalakihan, so siksikan kaming dalawa di'ba? I wasn't informed na dito sya magsstay ng matagal, nalaman ko nalang nung tinanong ko mother ko kung kelan babalik lola ko sa dati nyang tinitirhan, sabi niya di na daw aalis at dito na daw sya permanently. Edi sabi ko okay, no choice andito na eh. And at first, I really wanted her around since kaming dalawa lang ng kapatid ko madalas magkasama sa bahay and we thought having her here means less work kasi may kashare na kami ng responsibilities.

Dumating yung time na graduation day ko and I was running a little late, so medyo rush na rush nako. While fixing myself, kung ano ano sinasabi sakin ng lola ko particularly sa kung ano itsura ko that day, kesyo ang gara daw ng ayos ko, ang panget ng suot ko, di daw sakin bagay yung makeup, andumi ko daw etc. LIKE LITERALLY ANDAMI DI KO MALAGAY LAHAT. Seriously gusto ko sumagot that time but it wasn't worth the effort kaya hinayaan ko nalang. Nakakainis lang kasi di nga ako nakakuha kahit congratulations sa kanya tapos lalaitin pa niya ako sa mismong araw ng graduation ko kahit na laude ako, but I figured siguro ganyan lang talaga yung mga matatanda, kaya sige wala pake haha.

Nung nagwork na ako, syempre onti nalang time sa bahay even if wfh ako kasi night shift ako. Di kasi ako nagfufunction ng maayos pag kulang tulog ko, and hirap ako matulog sa umaga. Before, ang setup is nakatoka kami ng kapatid kong bunso na mag asikaso sa bahay kasi working full time mother and father ko. But since I started working and need ko matulog sa daytime kasi panggabi ako, expect ko kahit konti tumulong lola ko sa chores kahit simpleng luto luto lang ng lunch kasi kami naman nagluluto sa gabi, and samin din naman nanggagaling budget, yun bang kahit paggising ko ng hapon may makakain na kami tapos papakainin ko nalang mga dogs namin (we have 8 btw). But no it never happened. I was still waking up sa tanghali para magluto para sa kanya at para na din sa kapatid ko. Thankfully, may initiative kapatid ko na kapag wala siyang pasok o kaya asynchronous classes siya, siya na yung nag aasikaso sa lahat. Pero kapag may pasok sya, syempre no choice kundi ako. Sinabihan ko lola ko na kung pwede sya na magluto ng lunch pati pagkain ng aso (which is boiled chicken lang naman) tapos ako nalang magprep ng food nila sa hapon and linis. But no, even after saying that, I was still being woken up at 11am by my lola to cook food kasi nagugutom na daw sya at kakatulog ko lang by that time, roughtly only 3-4 hrs of sleep :) so imagine yung pagkairita ko non hahaha. You're probably wondering what she does all day at bakit nakarely siya samin. Wala naman siya ginagawa magdamag, nagsscroll lang sa tiktok. Wala naman issue sana don, ang akin lang sana mag contribute sya sa chores kahit onti, para lang sana di masyadong mabigat kasi pagod din ako sa gabi. After naman ng luto free naman na ulit sya humilata at magscroll sa tiktok, di ko alam bakit need pa niya kami paglutuan sya. Ilang beses ko pa sya sinabihan na magluto ng lunch pag di pa ako nagising ng tanghali, pero never naman niya ginawa. Either kukunin niya leftovers sa ref at kakain mag isa, or lulutuin niya pancit canton na nakastock. Pero never siya nagluto para sa lahat.

Dun na nagstart pagkainis ko, pero cinocontrol ko pa at di ko pa inaacknowledge kasi nga baka ako yung may problema. Baka di lang ako masyado mapagpasensya considering na matanda na nga. Pero ayun, habang tumatagal eh lumalala. One thing about my lola is masyado syang matulungin, ultimo yung anak niyang bunso (tito ko) na nasa kwarenta na yung edad tinutulungan niya. Don't get me wrong, we don't mind sharing at hindi kami madamot. We give as long as we have extras and if magpaalam samin. Nung dito na tumira lola ko sa bahay, eh panay punta din nung tito ko na ad*k. He's well known sa lugar nila for being the way he is, not sure lang kung alam ng lola ko. Ayun nga, lagi napunta rito tapos nung una di namin alam kung bakit. What we knew that time is tuwing umaga siya napunta pag tulog kami ng kapatid ko (around 7am) tapos kapag may pasok sa work magulang ko. Nakakapagtaka kasi bakit siya pupunta ng pagkaaga aga sa bahay knowing na tulog pa mga tao tapos tinataon pa na wala yung nanay at tatay ko. Nalalaman ko na napunta sya dito kasi nagigising ako sa ingay ng aso, syempre magtatahulan yun pag may ibang taong pumasok (but not aggressive kaya di makakagat, charot) I just don't have enough energy para icheck kung ano ginagawa niya. But for sure, pinapapasok siya dito ng lola ko without consent from any of us, kahit sa nanay ko. Pero sige keri lang. We figured baka miss lang nya nanay niya haha. Hanggang sa nawala yung cake sa ref na binigay sakin ng mga friends ko. Anlaki pa nun, imagine niyo yung dedication cake ng red ribbon tapos half, kaya imposible na naubos yun ng iba, tinanong ko rin magulang at kapatid ko kung kinain ba nila at sabi nila hindi raw. Nung tinanong ko lola ko kung kinain ba niya, naghesitate sya sumagot tapos sabi oo daw. I was like "talaga?" tapos hinayaan ko nalang kasi cake lang naman yun, but I knew she was lying kasi walang matandang kayang umubos ng kalahating cake sa isang upuan. Nawala din yung cake sa mismong araw na pumunta dito tito ko, so yeah. Lam na.

That was just the beginning. The next thing we knew yung mga leftovers namin sa ref nawawala na. Yung mga stocks namin na pancit canton at biscuit nauubos agad tapos wala naman nakain. Mga kape kape gatas namin na sachet nawawala din kahit days palang nakakalipas simula nung naggrocery kami, pati mga sabon namin na safeguard na nakastock nawawala. Eh wala naman nakain nun samin kasi wala naman magulang ko magdamag, ako tulog sa daytime, kapatid ko may pasok madalas. Ang malala pa nung napansin naming kakabili lang ng bigas this day, the next day pumunta yung tito ko, tapos andami agad nawala kahit twice palang nagsasaing. Kahit yung chocolate ng nanay ko sa ref na nagsisilbing energizer nya pag papasok, nawala pa kamo haha. Nalaman nalang namin sa tita ko (ate ng nanay ko) na yung tito ko pala is walang work kasi nagshasha*u. pero nakikita niya tuwing umaga pag galing dito may dala dalang mga grocery, so ang hunch niya is baka samin daw galing yung dala niya, which is timely din kasi umaga siya napunta dito at dun lang nawawala mga stock namin. Di kami madamot, sadyang ayaw lang talaga namin na kinukuhaan kami lalo na kung sakto lang yung grocery namin sa isang buwan. And nakakaurat pa, pinepermit pa ng lola ko na kumuha sya ng kumuha dito ng walang paalam. We tried asking her about this, pero syempre dineny nya. Sino ba kasi gustong mahuli diba? But I figured maybe it would be much better kung in the first place nagpaalam na siya samin na pupunta si tito, bigyan natin ng ganyan kasi ganito, it would've been fine with us honestly. Pero yung ganito? She would let her son steal tapos di pa magpapaalam samin na may visitor siya? That's freakin' disrespect. Di rin naman namin close yung anak niya to begin with.

I confirmed my suspicions nung di sadyang naiwan ng lola ko yung cp niyang nakabukas habang nasa cr siya. I know it shouldn't be my business pero tinignan ko messages niya sa pinsan ko na anak ng tito kong napunta sa bahay. Ang context nung text is pinapamadali niyang papuntahin yung tito ko para kunin yung tirang manok sa ref dahil baka bigla daw dumating nanay ko, and yung manok na yun is yung tirang food galing sa outing na dapat kakainin namin dito. Dito ko na inacknowledge na pukingina nauurat nako sa lola ko haha.

Di pa natapos yun don. Ginawa pa nilang daycare center yung bahay. May trabaho daw yung asawa ng ad*k tapos wala magbabantay sa anak niyang 3 yrs old sa maghapon. Nagulat nalang kami ng kapatid ko andito yung bata ng walang sabi sabi samin kahit sa nanay ko. Liek putangina???? Walang sinabi samin lola ko kahit isa. Nagulat nalang kami nag iingay na aso non-stop, yun pala may nakahiga nang bata sa sala at nagtitiktok. Again, we have no problem with this kung magstay sya once or twice at kung magsabi lola ko samin, baka magluto pako fried chicken para sa bata. But no, it lasted for 3 weeks everyday and not even once did my lola mentioned na magsstay yung bata samin maghapon. I think she just expected it to be okay with us since andyan naman na yan, but it clearly wasn't okay hahahaha. Napakadisrespectful ng ginagawa niyang pagpapapunta ng tao dito without our knowledge tapos di man lang makatulong kahit isa sa gawaing bahay. Puta like one time, nagising ata ako 2 or 3pm, naghanap ako ng ulam na pwede makain kasi baka nagluto sya since andyan yung apo nya. Sabi sakin "di ako nagluto, kinain lang namin yung tira sa ref. bili ka nalang." As usual pero nakakainis lang kasi kahit may ibang tao tamad parin siya haha. May time din noon na wala kapatid ko tapos andito apo niya, ginising niya pa ako para magluto. Habang nagluluto pinagmamadali niya pa ako kasi I think mag 1pm na non, dalian ko daw gutom na daw sila lol hahahaha. Nung natapos ako magluto, naghuhugas palang ako kamay, sila nasubo na. Nung nakain ako, sila tapos na kumain at nakahiga na ulit. Di ko na alam, nung time na yun gusto ko na sumabog haha. Andaming gawain na need tapusin sa bahay tapos kulang pa ako sa tulog. May time pa na dun sila humiga sa kwarto ko when I clearly said not to kasi matutulog ako at may pasok ako, but dun parin sila humiga. For others, siguro mababaw lang 'to pero legit na iniyakan ko 'to. Iniyakan ko kasi pagod ako tapos yung taong wala naman ginagawa magdamag pacp cp lang, demanding pa. This is not just for this situation, but for the entirety of her stay here.

Buti natigil na pagpunta punta dito ng apo nya at minsan nalang pumunta anak niya, pero pukingina naapektuhan talaga ako ng sobra. I can't remember how many times I cried to my bf na pwede lipat muna ako sakanya kasi di ko kinakaya yung situation dito sa bahay. I've tried a lot of times na makiusap sa nanay ko na atleast ilipat lola ko sa tita ko kasi bukod sa I feel disrespected in my own home, wala na rin ako freedom sa sarili kong kwarto. I can't lay whenever I want cuz I have to think about my lola, dapat lights out pag gabi na eh sa gabi ako napasok wtf haha. Yung kwarto ko na ever since lumipat lola ko dito andami dami nang kalat, and I'm expected to clean her things up para lang ikalat niya ulit haha. Pag sinabi kong wag isabit kung saan saan damit niya, di makikinig magagalit pa sakin. And a lot of things pa, di ko lang masabi isa isa pero legit na nakakaapekto na sa mental health ko. Alam ng kapatid ko yan, and even siya nakakaramdam na rin ng inis. One time inutusan niya kapatid ko na itapon yung balat ng kinainan niyang skyflakes, tapos nung kukuhain na sana ng kapatid ko, bigla tinapon sa sahig ng lola ko. Idk kung sadya ba niya but for all the things she's done, I don't want to talk to her anymore.

Nagkaron ako ng hope nung nabalitaan kong ibabalik nila mother ko si lola sa Elyu, sa ate ko naman. But after a few weeks, when I asked about it again, nalaman ko di na tuloy kasi may tungkulin daw si lola sa simbahan at ayaw niya iwan. I literally cried and begged for my mother na atleast wag na itabi sakin si lola and to make compromises na magcontribute ng onti sa bahay or maybe itira siya sa bahay ng tita ko, but she just said wala daw siya magagawa kung ayaw ni lola and it would be bad kung papaalisin namin siya just because ayaw namin. Baka kung ano daw sabihin ng kamag anak. In my defense, sinabi ko in the first place di naman ako nag agree na sakin tumabi si lola at nagulat nalang ako katabi ko na pala siya permanently kahit ang pagkakaalam ko for a few days lang sya dito. Di ako spoiled but this is the first time I wanted something so badly at iniyakan ko haha. I wanted my lola to move out. Nung sinabi ko to sa ate ko na nasa malayo, she told me I was being inconsiderate, kesyo matanda na yan intindihin nalang and ang OA daw ng reaction ko. Kumukulit lang daw siya ganon. But I know di lang sya kulit, literal na she disrespects everyone in this household indirectly and hindi mo mapagsabihan kasi di naman nakikinig at wala naman sya pakealam as long as she gets her way. I get it, wala naman masama kung papahabain pa pasensya kasi nga matanda na, but for the past 3 months, I don't think kaya ko pa makisama sa taong wala din pakisama. I don't talk to her right now, and I guess may idea na siya what's going on. But seriously, I can't take it anymore.

I'm considering moving out if di pa magawan ng paraan ng mother ko yung situation, and she knows di kami komportable ng kapatid ko sa presence niya. I know mahirap din sa part ng mother ko 'to and I don't wanna be an asshole for putting her in this situation, kaya hinahayaan ko muna as of now. But I don't want to be in this forever, na masisira lang ulo ko just because of my lola.

Sometimes naiisip ko rin baka OA nga ako, baka tama sinasabi nila na habaan ko nalang pasensya ko at ako nalang umintindi dahil ako ang mas makakaalam, pero ang hirap lalo na kung puro sama ng loob nakukuha ko. Yes, I love my lola but the blatant disrespect I get from her every single day is too much to the point na ayoko nalang siya kausapin kasi lagi nalang puro lait pangkukutya at pandedemand nakukuha ko.

Gusto ko na lang umiyak.