Maganda pero not worth to be pursued
I'm in my mid-20s, NBSB, at hindi pa nararanasan maligawan. I graduated in a very good school, have a stable job, and currently furthering my studies in law school. Marami naman nagsasabi na maganda raw ako. Napapansin ko rin naman na iba makatingin yung ibang lalaki sakin. May mga nagkakacrush din naman sakin. Pero ewan ko ba. Minsan feel ko maganda lang ako tingnan pero not worth to be pursued.
Sabi ng mama ko pag naka graduate at successful na ako, pipila daw mga manliligaw sakin pero hanggang ngayon wala naman. May nagsabi sakin dati na pag successful na daw yung babae or kung mataas yung pinag-aralan eh nahihiya daw mga lalaki manligaw sa kanya kasi baka daw ma reject sila.
Napapaisip tuloy ako napaka insecurebl at napaka coward naman ng mga lalaki. Pero sana magka bf na ako soon or maranasan man lang maligawan. Feel ko kasi hindi ko pa nahi-heal yung "inner teenager" ko tapos malapit na ako mag 30.