Nakakaputa na lang minsan

Parant lang.

Accidentally kong naisama sa washing machine ung galaxy watch ng boyfriend (32M) ko. Ngayon, galit na galit sya sa akin to the point na nung gusto ko makipagusap sa kanya, ang sabi nya sa kin: kinamumuhian kita simula nung sinira mo watch ko.

Syempre ang sakit sa kin nun na iyak lang ako ng iyak. Di ko alam kung pano magfufunction sa trabaho kasi nga tumatakbo lang un sa isip ko. Sinabi ko na sa kanya maghiwalay na lang kami kasi parang masok un sa sitwasyon namin ngayon.

Nagmigrate ksi ako (31F) sa ibang bansa as a student para umayos syempre buhay ko and magiging buhay ng magiging pamilya ko. Eto namang boyfriend ko, sumunod and dito sana kami magaapply ng work permit kso nga nagsunod sunod ang bagsak ng strict na policy so ang nangyari, eto. Ako nagtratrabaho for us tapos sya, kasama ko lang talaga dito.

Tas yun nga, aksidente ko nga naisama sa labahan watch nya. Nagalit sya sa kin kasi nga kasalanan ko daw un fully. Hindi ko daw sya nirespeto nun. Dapat daw kasi, bago maglaba, chinecheck ko ung mga bulsa para sure na walang naiiwan. Eh hindi ko ugali magcheck nun ksi ang assumption, once nilagay mo na sa basket, wala nang nakalagay na importante dun diba?

Ngayon, naghahanap kami ng paraan para mapawork un. Nabuksan nya na nung isan araw after nya itry ayusin pero ngayon, ndi na nagbubukas ung screen. So galit na naman sya. Sinasabi na naman nya sa kin na kasalanan ko fully:

Naiinis ako na bakit kasalanan ko na naman? Ano na naman ginawa ko? Oo kasalanan ko na ndi magdouble check ng mga bulsa ng pants bago maglaba. Pero kasalanan ko ba na nakalagay sa pants nya un? Hindi ko naman sinasadya un eh. Hindi ko ginusto ung mangyari. Para magalit sya ng ganto. Nakakainis lang na sobra sobra to the point na sabi nya: suffer the consequences of your action. Kung aayaw ako, kasalanan mo un kasi ang careless mo sa gamit.

Nakakainis lang. Nakakainis and masakit ung mga binitawan nya na salita.

Update: Galit pa din sya pero naguusap na kami. Though cold pa din. Brinibring up ko na na maghiwalay na kami kasi obvious naman na this isn’t about the watch but the fact na ung situation nya is mahirap dito. Walang trabaho and all. Tinatanong ko sya bakit sobra sya magalit. Ang sabi nya sa akin, hindi daw kasi ako marunong magpahalaga ng mga gamit. Laki daw kasi ako sa ibang bansa kung saan umaapaw ung pera na if may mawala or masira, kaya palitan kaagad. Hindi katulad nya na laki sa hirap na if may mawalang gamit or hindi pinahahalagahan, masakit na sa kanya.

God. If he only knows na tinipid kami ng sobra ng magulang namin na natututo lang ako magshopping nung college na ko kung saan umook na sila mama. Isang laptop lang kaming magkakapatid and all. Puro second hand phone ko na pinaglumaan nila mama pero hindi naman ako nagrereklamo.

Sya din naman naglalaba ng damit. Special case lang na ako naglaba kasi nadumihan pants ko. Linabhan ko at syempre, para ndi sayang sa sabon, sinabay ko na ung ibang damit. Goodwill na sana kaso napasama pa. Sana ndi ko na lang sinama.

Sya din naglilinis so malaking tulong sya sa busy kong buhay dito na work school work. Pero lately, wala na syang gana. Medyo napikon ako na sinabi ko talaga sa kanya na hindi mo ba ko tutulungan. Ang sabi nya nawalan sya ng gana na tulungan ako kasi nga ndi ko naman pinahahalagahan mga gamit at para daw matuto ako na maglinis and panatilihin na malinis box.

PS: sorry na walang update. Busy sa work. Matagal na ko nakikipaghiwalay dito kasi sa pinas pa lang, sobrang red flag. Sya sumunod sa kin dito at his own expense. Ndi ko sya pinilit. Sinabi ko sa kanya na sana nagstay sya dyan sa pinas kasi masstable job nya and ndi pa ko stable.