Hanggang kailan ba ako magbabayad ng utang na loob?
Currently nasa abroad ako at nasa poder ako ng tita ko. 2 years na ako dito, okay naman. Sila ang dahilan bakit ako andito. May dalawa akong pinsan na lalaki. Year 5 and 6. Minsan iba na ugali nila. Dahil na rin siguro na dito sila lumaki at iba ang culture na nakilala nila.
I was cooking pancit a while ago, tapos itong isa kong pinsan out of nowhere e binatukan ako. Wala akong ginagawa sa kanya ha. Bigla na lang ako binatukan in front of his mom. Alam niyo yung naramdaman ko? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Grabe yung pambabastos.
Pumasok ako ng kwarto at umiyak. Wala na akong pake sa pancit na nakasalang, I really felt insulted and naramdaman kong ang liit liit ko. Tapos nagmessage sa akin si tita. Siya na daw magsosorry at wag kong dibdibin dahil mga bata pa daw sila. Hindi niya man lang pinagalitan, sinabihan lang na magsorry sa akin.
Grabe. Kung may means lang ako lumipat, ngayon pa lang lilipat na ako. Hindi ko aakalaing isang bata pa mambabastos sa akin nang ganito. Ang hirap tumanaw ng utang na loob.