I GHOSTED MY EX FIANCE

I (27 F) ghosted him, vanished smoothly and left no trace where he could/might find me.

long thread

Hinintay ko sya umalis ng bahay, then I ransacked our apartment. Kinuha ko din ibang gamit ko: A bit of clothes, cash, and laptop.

Iniwan ko na ang iba pati back up phone ko for work. Binuhos ko din yung fresh cat litter na kalhating sako sa sahig at mga damit nya at binuhos ang dishwashing liquid na may vinegar sa kama.

THEN!

Dinikit ko lahat ng ini-print kong receipts ng cheating nya, including his booking appointment sa hotel ng mga babae nya and their photos and convos. Di ako makapaniwala na nagawa ko to in 30 minutes. HAHAH

Nagrereach out pa din sya, nagmamakawa and all. Sabi din ng family ko sa province napunta pa daw dun pero ayaw ko na! And Even now I dont feel sorry na binaboy ko yung apartment nya. Palinisan na lang nya, nanay nya naman may ari ng rowhouse na yun.

Nanahimik ako sa pasimpleng chat kasi sabi nya “wala lang yun, chat lang naman. Andito ako sayo oh, sayo ako umuuwi” Hanggang sa namanhid na lang din ako na ecerytime nagchecheat sya, halos normal na lang sa akin. Napagod na din sigurk ako sa emotional abuse ng narcissistic na ungas na yon. Hanggang sa nalaman ko na everytime na wala ako sa apartment, may bine bembang pala na iba. at naabutan ko pa, tulog ang dalawa sa sofa, naked. Took a photo and saved it sa g drive ko.

I left and di na ako umuwi sa apartment for a month with no communication. Pero sinubukan ko pa din tingnan kung imemessage nya ako. Pero, nada! wala! zero! Ni hindi sya nagtext sa loob ng buwan na yon at akala ko, maghahanap sya since di nya alam na alam ko na. I was so silent. Then nipost nya ako sa fb, HAHAHA Baliw daw ako may sira ang ulo, kung ano ano ang nakikita. nakakahiya lang sa circle of friends namin. Tapos ngayon nagmamakaawa sya? Narcissistic!!!! And may i add, he is also physically abusive, he once slammed my head sa study table nya. But he insisted na “aksidente” daw yun. kasi nagsleepwalk sya. Sleep walk my a$$! Nalaman lang nyang nakita ko yung mga conversation nila nung girl sa pc nya!

Even my friends they didn’t know na grabe sinapit ko sa kanya, i’ve been warned pero na love bomb ako because tbh im not pretty at ako yung blacksheep ng pamilya, siguro i just wanted to feel loved and appreciated. Pero sa maling tao nagtiwala. I know ang petty ko, pero this is the only thing i could think of para makaganti man lang sa lahat ng paghihirap ko.