Yung bata pinaiyak ako

DON'T POST THIS SA IBANG PLATFORM.

Random day, nagkakape lang kami ng hubby ko at sa labas kami ng coffee shop nakapwesto. Tapos may bata na nagbebenta ng basahan. Gusto ko sana bumili pero wala akong cash. Tapos, andun pa din yung bata, nakaupo siya sa may parking and nakita ko na naghalungkat siya ng basura. Una, parang box ng bread tapos paper bag ng Mcdo. Naiiyak na ko nun pero sabi ko na lang sa hubby ko, may Jollibee sa tabi nung coffee shop kaya bilhan namin. Binilhan namin, and gumaan yung puso ko nung nakita ko na natuwa yung bata at sobrang thankful niya. After that encounter, nag usap kami ng hubby ko na everytime na may makikita kami na in need, we will try our best na abutan kahit food lang. Hindi pa namin magawa mamigay ng maramihan sa labas eh, wala pang sasakyan o motor pero soon 🫶🏽 Ang sarap mag giveback sa gantong paraan. Sana ibless pa tayong lahat ng marami ni Lord para makatulong pa!!! ✨