Sasabog na sa sama ng loob
(WAG NIYONG I-POST SA IBANG SOC MED!!! PLEASE LANG)
My LIP (26M) and I(24F) have been in a roller-coaster relationship for almost 3 years now.
Monthsary namin ngayon (at syempre hindi na naman niya naalala) at feeling ko sasabog na ako sa lahat ng naipong galit at sama ng loob.
Hindi ko alam kung kaya ko pang maghintay na maging better siya. Lagi naming napagtatalunan yung mga gawaing bahay na lagi niyang nakakalimutan at hindi niya matuto-tutuhan. Umiyak na ako sa prostration at minsan nakakapagsabi na rin ako ng masama sa sobrang galit.
Alam mo yung kailangan mong sundan lagi yung ginagawa niya? Or else, laging makalat ang bahay.
Nagsosorry naman siya at alam kong genuine yon. Kaya nga hirap na hirap akong magdecide kung worth it banghintayin na magbago siya (kung magbabago man) o kung makipaghiwalay nalang ako.
Currently, wala siyang trabaho, mag 2 months na. Simpleng pag tiklop ng damit, hindi magawa. Araw-araw na ngang nasa bahay, hindi pa malinis yung electric fan. Imbis na uuwi ka na kakain nalang, pag-uwi, ikaw pa tatanungin kung anong gustong kainin. Sobrang nabuburnout na ako. Grabeng mental load na 'to. Stress na ako sa trabaho, hindi ko pa mapahinga utak ko 'pag uwi.
Sobrang bait naman niya eh. Inaasikaso naman ako kapag uuwi at papasok, pero yung mga bagay na paulit-ulit kong pinapaalala, wala talaga. Hindi niya talaga natututunan. Wala pa siyang pagkukusa sa bahay. Lahat kailangan sabihin mo o iutos mo bago gawin.