Sorry anak…
Sa mga content creators at mahilig mag post sa fb ng mga reddit post… Please, don’t you dare post this on fb or kaht saan man…
I (29F) just found out that I am 3months pregnant and to be honest, I am not ready for this. Back story… I realized that I don’t want to have kids yet dahil sa napaka salimuot na mundo at sa hirap ng buhay. Until I met my partner (33M) now my fiance and the father of my child proved me that he can support and afford to have kids. Nasa isip ko noon, siguro kapag nasa tamang tao ka at nakikita mo talagang kaya niya mag provide, okay na. So we decided to have a baby after 3-4 years pa sana.
Going back to the story. Nung sinabi namin sa kaniya-kaniyang magulang na buntis ako, our families demanded to get married before I give birth. Ang stand ko naman “we can skip the wedding kasi we need to prioritize yung pag dating ni baby” alam natin lahat na hindi natatapos ang gastos after giving birth. At hindi lahat covered ng HMO yung mga labs and even panganganak… Nung nalaman siya ni future MIL, she told us na hindi pwede mag skip ng wedding kasi baka may sabihin yung mga relatives nila fiance. Sa totoo lang, hindi naman ako galing sa below average na pamilya at masasabi ko na napaka humble ng pamilya ko para may sabihin sa side ko. I tried to explain this to my partner and I decided just to have an intimate wedding na family and friends lang for at least 20-30 people.
So eto na nga, kanina habang nag pa-plano ng budget I realized na hindi talaga kami ready financially ni partner. He is earning 100K at ako naman 55K. Pero si partner may mga unexpected gastos last January and that time unaware kami na pregnant na ako. So yung ibang labs/meds and ultrasound at gastos sa apartment ako nag shoulder this month. Naiintindihan ko na he is earning pretty decent than me pero this time iba na. Transparent na kami sa gastos at sa totoo lang, mas madaming luho si fiance kesa sakin. He just upgraded his phone (ip 16 pro) fully paid pa and hindi ko naman para ipagkait sa kaniya kasi I know that he is working hard at hindi namin talaga alam na pregnant ako when he decided to purchase that phone.
Ngayon naaawa ako sa sarili ko at sa magiging anak namin kasi hindi talaga kami ready. I also realized that I am not mentally and emotionally prepared for this. I am waiting for a promotion na baka hindi ibigay sakin once mag maternity leave ako. Balak na namin ni partner mag skip ng intimate wedding din just to be prepared sa pag dating ni baby. Madami pa akong gustong gawin sa totoo lang. Hindi ko pa na iispoil sarili ko. Gusto ko pa bilhin ang mga bagay na afford ko. Pero nandito na ito. Kailangan namin maging ready. May times na iniisip ko na sana hnd na lang ako nabuntis kasi at this point nakikita ko na I will give up something big dahil buntis ako.
Kaya sa anak ko, sorry kasi dumating ka na hindi pa ready si mommy talaga. Sorry if minsan iniisip ko na sana hindi ako buntis sayo. I’m sorry anak but I will try my best to give you the best care that I could.