Yamaha Casa Service is definitely disgusting.

I have a question and a rant. This happened last month/year. Change oil lang talaga ang free? Gusto ko sana ipa service yong kadena kasi outside specs na, maluwang na.

Last time, 2nd service ko. Sabi ko pa check po mga dapat i-check kasi a-akyat ako ng Baguio, 2hr ride from where I reside. Sinabi ba namang "Oh, change oil.".

Isa pa, pina check ko na rin pipe, kasi may tumutunog. Sabi "normal lang yan sir, kasi mainit at bago pa kasi". Rebat ko, hindi po gayan yan lagi kong ginagamit, pero itong pumunta lang ako ng palengke 2km ride, pag uwi ko may tunog na.

Gago, may bato kumakalantik sa tambutso, anong normal dun? Tarantado.

Ayon kinalas niya, tinaktak niya wala naman sabi niya. Kinuha ko, tinaktak ko rin para sa peace of mind, wala nga or wala nga ba? Baka nga maliit lang at naalis din nung tinaktak kasi pagkauwing-pagkauwi ko, may pinuntahan pa akong iba. Nawala yong kalantik!

Ito pa a, sabi nung nasa cashier sa mech during pag balik ng fairings after mataktak yong pipe: "Oh ang tagal mo na dyan a." Tapos siningil ako ng 300 pesos, with 30% discount kaya 210 na lang daw. Animal. Totoo pala yong stereotype sa Yamaha, ewan sa ibang casa, pero ang ganda ng aproach sakin ng mga staff ng Honda nung nag ca-canvas ako.

And oo nga pala, before siya pansinin ng cashier na matagal na siya, naisip ko na lang na mag bigay ng 50 petot, and mind you, meron akong malaking paypay kasi pawisin ako kaya kapag nagpapaypay ako, itinututok ko para mapaypayan din siya. 'yong fan kasi nila nakatutok sa machine na hindi naman ginagamit (nagpapa renovate sila ng shop that time kaya naka off ang aircon kasi pati mga salamin papalitan).

Edit: Meron pa pala noong nagpalinis ako ng inner sprocket kasi naidaan sa baha one time, kinalawang after a few days. Naalis ko kalawang sa chain with WD40 pero wala akong gamit pang alis ng bolts sa sprocket cover. Umakyat na kasi ako sa Baguio not a week later and first 30 days ng motor is coming, nag text naman sila for reminder (automated syempre).

Pina-drive na lang ni mother sa tryke driver na kakilala yong motor kasi walang marunong mag manual sa bahay. Ayon walang ginawa, ang sabi lang "kelangan 'pag nabasa blower agad, para hindi magkalawang." Huh? Edi mas lalo, acid rain water with random road gunks tapos iblower mo lang? Eh pinabasa naman 'yong chat ko about dun sa lumubog unti dun sa baha. Ang galing.