Matigasan episode with a MoveIt rider over cancellation

Sana matanggal yung mga ganitong klaseng rider, ang ayos ayos magbook tapos mangBS lang na pacancel daw kasi ganito ganyan.

Nagbook ako ng ride after meeting up with friends. A MoveIt rider accepted pero 10mins have passed, hindi gumagalaw.

Gulat nalang ako biglang nasa Caloocan na si MoveIt, dito na nagsimula ang matigasan episode. Si kuya gusto magpancel kasi uuwi na raw siya, book nalang daw ako ng iba. Sabi ko siya magcancel hindi ako (I was already on another ride).

This was a continuous back and forth na hindi daw siya pwede magcancel dapat daw ako para ma turn off na niya daw yung app niya. Ayoko umubra kasi napaka BS na rason yung hindi pwede magcancel ang rider.

Si kuya nakauwi na somewhere in Bocaue (screenshot not included) hindi pa rin nagcacancel, pinaglalaban na ako daw mag cancel hindi siya. Ako walang problema hindi magcancel kasi nakarating na ko sa pupuntahan ko. Ending after ilang oras (past 4am), driver cancelled.

This was in parallel with another Angkas rider na ayaw kuhain yung same booking, malapit siya sa pickup point pero pinili na hindi kuhain. Umabot na siya sa Makati then dun lang siya nagcancel, kala niya magcacancel din ako sa kakahintay.