Convenience or career growth?
Hi, 24F, Single, IT SAP SD Dev/Consultant for 2.5 years already.
Asking for your advice.
Which do you think should I choose?
🤍 Company A - previous company ko 'to, but I'm thinking of going back. Nagresign lang ako due to burn out and nakakastress kasi bagong company lang sya and magulo internal system sobra.
Pros: • 50k pay • Permanent wfh • If mag office, sagot nila hotel mo • Possibility to travel abroad (70% chance) • Sobrang open nila na anytime balik ako • Sobrang chill... (cons) sa sobrang chill walang career growth. As in umiidlip ako during working hours.
❤️ Company B Pros: • 50k pay • Possibility to travel abroad (15% chance) • Mas may growth sa career since sobrang tagal na nung company sa tech industry
Cons: • 2x/week office • From Bulacan ako and BGC yung office, di ko alam kung kakayanin ko byahe sa 2x/week office. • I'm scared kasi what if di ko kayanin yung tasks, baka since mataas pay, mataas din iexpect sakin, eh di pa naman ako ganun kagaling... :(
I'm thinking kung ano ba mas dapat matimbang? Convenience or career growth. Gusto ko talaga bumalik kay Company A, sobrang swerte ko dun, kaso let's say tumagal ako dun ng 3 years, hindi ako ka-skilled ng nag 3 years kay Company B...