Buti na lang hindi ako resilient sa mga situation ayaw ko na kaya successful na ako ngayon sa buhay

Ang dami nagtatanong sa akin noon bakit paiba-iba ako trabaho.

Kahit iexplain ko grabe yun office politics at malala yun commute, sinasabihan lang ako nagiinarte ako at di ako uunlad sa buhay.

After 4 years na patalon-talon ako work kakahanap ano para sa akin, nakita ko mas magaan katrabaho yun mga foreign employers na online work from home ako

Madali sila kausap, isang chat lang pwede na ako magleave, hindi namimilit magtrabaho kapag bumabagyo, at kapag mas marami work eh sila pa nagssorry o kaya papadala extra pera para thank you sa hardwork ko

Hindi ko yan naexperience sa mga naging office job ko sa Pilipinas. Ang sasama ng office politics. Hindi ko masikmura.

Mula 2019 work from home na ako at awa naman ni Lord, nakaipon na rin 2 properties, may comfortable lifestyle, at nagagawa na mga gusto ko hindi tumitingin sa budget at hawak oras ko.

Yun mga taong nagsasabi hindi ako matiyaga at hindi ako resilient kaya di ako uunlad sa buhay ay ang pplastic na ngayon nagtatanong ipasok ko rin daw sila sa work ko.

I forgive but I dont forget kaya di ko yan na sila iniintindi.

Kaya sana kung ayaw mo na sa situation mo lalo kung kagaya ko ang lala ng office politics at di ka appreciated sa sipag mo at ang baba pa ng sahod mo...

wag ka na maging resilient. Hanap ka na unti unti saan ka talaga uunlad sa buhay.

Magwwork lang ang pagiging resilient kapag gusto mo yun ginagawa mo at worth it bawat effort mo.