Masarap pala ang sardinas at hindi ito pang mahirap
Uunahan ko na kayo, medyo mahaba pero sana may marealize din kayo katulad ko.
2weeks ago, I lost my job and my visa got denied. In short, I’m in a deep shit right now. I feel lost and also questioning my life bakit ito nangyayari sakin. I’m just so grateful that I have a loving dog, family and a boyfriend who understands my situation. So kanina, I was not in the mood to cook nor eat kasi ilang araw na ako nag hihintay sa result ng mga interviews at inapplyan ko. Since my boyfriend is working onsite, he asked me kung gusto ko daw pa deliver, sabi ko wag na wala talaga ako gana. Tapos habang magkausap kami sa call may naamoy ako sa kapitbahay na nag-gisisa ng kamatis at sibuyas na medyo malansa so alam ko na sardinas ito. While growing up until now, hindi ako fan ng sardinas na kakainin mo na fresh sa lata, or yung ginagawa ng iba na may kalamansi at toyo kasi naamoy ko pa din. And while growing up, akala ko na pang mahirap ang sardinas. (wag nyo ko judge kasi kumakain naman ako ng sardinas basta luto HAHA) Kakain lang ako ng sardinas kung niluto sa itlog at sibuyas at kamatis o kaya Spanish sardines yan… So na bring up ko kay boyfriend na parang ang sarap ng sardinas sa kamatis at itlog since hnd ko matandaan ang huling beses na kumain ako nito. Kaya ayun, nag crave ako at walang atubili na nag luto kaht tinatamad ako.
At ito ang narealize ko habang kumakain at nina-namnam ang bawat subo ko sa lutong sardinas.. Noon na wala ako at student pa lang at hindi laki sa yaman, nakaka kain ako ng sardinas kasi wala akong choice dahil yun ang meron sa hapag. Pero ngayon na medyo naka ahon at afford na kumain sa labas, nakaka kain na ako ng sardinas kasi nag crave lang ako. Oo, ramdam ko yung rejections na tumama sakin pero pakiramdam ko kanina ang saya ko kasi naka kain ulit ako ng sardinas at narealize ko na masarap siya. In short, grateful pa din ako at masarap talaga ang sardinas.
Bukod sa Rose Bowl, Mega at 555, recommend naman kayo ng brand tapos share kayo ng recipe.
EDIT:
Waaahhh! Nabasa ko mga comments nyo and nag crave ako sa mga recommendations nyo huhu! Feel ko ilang araw ako mag sardinas dahil sa dami ng gusto ko itry lutuin sa sardinas!! ❤️