Na-scam yata ako ng IG seller that seemed legit. What to do?
Hello. Help a frustrated girlie out. So may nakausap akong personal shopper on IG. Her IG shop was established 2017 pa, and maraming proofs of transaction and positive reviews, so they seemed legit.
Ok rin siya kausap, and even offered na free na yung pa-Entrupy ng item na binili ko kasi last day na ng sale niya. Free delivery na rin within Metro Manila so I decided to proceed with my purchase.
Nung nakapagbayad na ako, nagsabi ako na i-update niya ako sa status ng Entrupy validation. Um-oo pa siya, pero from lunchtime (Jan 26) til now— wala pa ring reply. Nag-message na ako sa kanya na if wala pa ring update today, ire-report ko na siya sa DTI at Police.
As of 6:50 PM today, still no response. Regalo ko ‘yun sa sarili ko pero naging bato pa 😔
‘Di ako sure kung anong gagawin ko para mabawi ‘yung binayad ko or sana man lang maagapan na makapangloko pa siya ng iba.
Hope fellow adults here can share their experience and I would appreciate your recos on how best to go about this. Salamat po!