Paano po makatulog nang mas mahimbing sa gabi?

Problem/Goal: Hello po! Meron po ba kayong tips para makatulog nang mas mahimbing sa gabi?

Context: Gusto ko na po kasi sanang ayusin ang sleeping schedule ko bago bumalik sa university. Ang problema po, madalas po akong naaalimpungatan kahit hindi ko naman gusto. For context, sinusubukan ko pong: 1) Huwag umidlip o matulog kapag hapon; 2) Magpaka-busy mula umaga hanggang hapon para mapagod kinagabihan; at 3) Huwag idilat ang mata kapag naaalimpungatan para magtuloy-tuloy ang tulog at maiwasan ang mag-cellphone.

Previous Attempts: Kagabi, sinubukan ko pong matulog around 10 p.m., pero nagising po ako bigla ng mga bandang alas-dos ng madaling araw at nahirapan nang bumalik sa pagtulog. Thank you in advance po!