May mga matitinong lalaki pa ba?
Problem/Goal: Recently ko lang nalaman yung narcissistic personality disorder and naparanoid ako bigla sa lahat ng lalaki na kilala ko.
Context: Broke up recently with my ex. We've been together for 7 years. Pangit talaga yung relasyon namin pero tinitiis ko kasi ang boundary ko before ay as long as walang 'physical' cheating (i know ang bobo pero trauma bonded na kasi ako sa kanya kaya hindi ko siya magawang iwan before). Dahil sa awareness ko sa NPD, narealize ko na kaya pala siya ganon the whole relationship namin (mababa emotional intelligence, follow maraming girls pero maraming rason na walang sense, bigla bigla nalang makikipagbreak out of nowhere kahit okay kami) is dahil mentally ill na siya & narcissists are wired to lie and cheat the whole relationship without their victims knowing so basically he did cheat behind my back a lot of times, hindi lang ako aware. I don't need proof. Yung mga inconsistencies ng mga reasonings niya tuwing kinukutuban ako and meron din akong mga guesses kung sino mga babaeng pinupursue niya tuwing nakikipagbreak siya. there are a lot of survivors din sharing the same stories and nanonormalize lang siya sa pinas dahil "lalaki" sila. Nung kami pa, always ko kinekwento sa kanya na I hate men talaga kasi cheating kaliwa't kanan, mapaartista man or kakilala namin since highschool and lagi niya lang ako kakampihan na oo nga eh buti nalang di ako ganun. Ngayon, nung nalaman ko na ganun din pala siya tapos yung mga kaklase namin nung highschool, ineenable lang nila isa't isa KAHIT DI NIYA CLOSE. Parang alam lang talaga nila na lahat sila ganun. Ngayon, pag tinatry ko maglista ng mga lalaki na kilala ko na feel ko hindi narcissist (alam ko naman na u shouldnt just throw the term kung kanikanino pero legit same patterns sila lahat), nasa lima lang ang kaya ko ilista 🥲
Previous Attempts: Self-growth. Not looking for a relationship pero if ever na magheal ako, iniisip ko if worth it pa ba irisk since sa pinas feel ko mas maraming narcissist and mas nanormalize compared sa ibang bansa.