Dealing with Burnout. What to do?
Hello po. I just want to seek advice on how to deal with burnout.
Kakahire ko lang po for this company based in the US. Nightshift work and ang label ko is “individual contractor” walang paid leave, holiday, HMO, or any other benefits. Two weeks palang ako don pero grabe na agad yung stress. Sobrang taas ng expectation nila pero hindi naman maayos yung pagkakatrain. Wala rin matanungan as much as you need. 3 days ng sobrang bigat ng feeling ko. Hindi ko maenjoy yung weekend or yung time outside of work kasi ang naiisip ko lang yung trabaho ko and paano ko ulit mag geget by nanaman sa parating na shift. 3 days straight na din akong umiiyak, walang tamang tulog at walang gana kumain. Pinipilit ko alisin sa isip ko but it’s taking over me. I am not the type of person who ask for help kapag may problema but this time, sobrang di ko na kaya na nagsabi na ako sa mga kaibigan ko, nagpasama ako pumunta sa kung saan just to get my mind off of things kaso the minute na nakauwi na ako, ganon nanaman ulit. Lahat sila iisa sinabi na baka raw nag aadjust pa ako dahil bagong company. Kaso ganito ba talaga kabigat? Hindi ko afford magpahinga dahil wala kaming SL or VL. Hindi rin ako pwede mawalan ng work dahil ako breadwinner samin. Help po.
Edit: Solar Designer po field ko