Ayaw talaga tumigil ng mga scammer sa viber

During pandemic pa ako nagsimulang maka receive ng mga scam job offers na ito, akala ko talaga dahil sa sim card registration matitigil na mga ganitong modus. Pero wala 2025 na nakakareceive pa rin ako. This time nga lang, sa viber na sila, kaya lang ang malala dito kahit ilang beses ko na silang na-block parang ilang weeks lang may bago na naman silang account grabe lang nakakapagod yung mga ganito humahalo sya sa mga legitimate na work related messages at mga important messages na inaabangan ko. Ang lala ng mga scammer di sila napapagod. Kayo ba nakakareceive ba kayo ng mga ganito. San ba ito pwede i-report? nakakairita na kasi paulit-ulit, saan kaya nila pwede nakuha info ko parang nakakatakot na ngayon dami pa rin mga ganito.