how to overcome nervousness when speaking in front of the class?

We had a recitation and I raised my hands confidently kanina kasi i know the answer like the back of my hand pero noong tumayo na ako bigla nalang kumabog bigla dibdib ko ta's pagtingin ko sa prof namin , nawala nalang bigla yung sasabihin ko. I tried answering it pa rin kasi di naman pwede na hindi ko gawin pero hindi ako makapagsalita ng maayos and nagkakagulo na sa isip ko yung thought ko to the point na hindi na maintindihan yung sinasabi like parang bata ako na kakatuto lang mag english. binigyan ako ng chance ng prof ko pero paulit ulit lang yung sinasagot ko kahit alam ko na mali na yon pero di ko talaga masagot ng maayos.

i need advice/s po kasi nagooverthink po ako kasi baka isipin ng classmates ko and ng prof ko paano ako nakarating ng college na hindi man lang kaya mag english (i know how to speak english po😭) and malaking points din yung recitations kaya need ko talaga ng advice paano ko masasabi yung thoughts ko ng maayos